Zika virus, patuloy na kakalat — WHO

2016-09-09 15:43:56

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng nahahawahan ng Zika virus sa Singapore. Tungkol dito, ipinahayag kamakailan ng tagapagsalita ng World Health Organization (WHO) na ayon sa pagtaya nito, patuloy na kakalat ang nasabing virus. Ito aniya ay makakaapekto sa lahat ng bansa at rehiyon kung saan mayroong Aedes mosquito.

Para sa mga bansang may posibilidad na kumalat ang Zika virus, ipinahayag niyang dapat maingat na i-monitor at kontrolin ang kaso sa anumang sandali. Dapat din aniyang lipulin ang mga lamok, at palaganapin ang kinauukulang kaalaman sa mga mamamayan.

Ayon sa magkasanib na pahayag ng Ministri ng Kalusugan (MOH) at National Environment Agency (NEA) ng Singapore, hanggang Miyerkules ng tanghali, Setyembre 7, 2016, umabot sa 283 ang bilang ng mga nahawahan ng Zika virus sa bansa. Walo (8) sa mga ito ang bagong kaso.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino