Premyer Tsino at Pangulong Lao, nagtagpo: Kooperasyon sa maraming larangan, palalakasin

2016-09-09 15:45:31

Sa Vientiane, Laos-Nagtagpo dito Huwebes, Setyembre 8, 2016, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos.

Sinabi ni Li na nakahanda ang panig Tsino na patatagin, kasama ng Laos, ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas at pagpapalitan ng mga karanasan sa pag-unlad ng bansa, at palalimin ang mga aktuwal na kooperasyon, lalo na sa kakayahan ng pagpoprodyus at pamumuhunan.

Sinabi rin ni Li na dapat pasulungin ng Tsina at Laos ang kooperasyon at pagpapalitan sa edukasyon, turismo at mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng isang serye ng mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Boungnang Vorachith na ang pagdalaw ni Premyer Li ay ibayo pang magpapasulong sa relasyon ng dalawang bansa. Pinasalamatan din niya ang mahalagang pagkatig ng Tsina sa matagumpay na pagdaraos ng serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya sa bansang ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino