Bagong low-cost airline route sa pagitan ng Hong Kong at Ho Chi Minh City, bubuksan sa Disyembre

2016-09-16 15:34:24

Ipinatalastas Huwebes, Setyembre 15, 2016, sa Hong Kong ng Tsina ng Vietjet Air ng Biyetnam na bubuksan nito sa ika-9 ng darating na Disyembre ang isang bagong low-cost airline route sa pagitan ng Hong Kong at Ho Chi Minh City. Ito ang magiging ika-9 na ruta ng Vietjet Air sa pagitan ng Tsina at Biyetnam.

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Nguyen Thi Phuong Thao, Pangulo at Chief Executive Officer ng Vietjet, na ang nasabing bagong filght ay maghihikayat ng mas maraming turista para sa Biyetnam, at magpapahigpit ng relasyon sa pagitan ng dalawang lunsod.

Dumalo sa seremonya sina Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng Biyetnam, Nguyn Ngoc Thien, Ministro ng Kultura, Palakasan, at Turismo ng bansang ito, Carrie Lam, Chief Secretary for Administration ng Hong Kong, at ibang mga mataas na tauhan ng Vietjet.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino