Sa pahayag na inilabas sa kanyang Facebook at Twitter Account, ipinahayag Martes, Setyembre 20, 2016, ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na kung konstruktibo ang mga mungkahi ng mga mamamayan para sa budget sa taong 2017, i-aadopt ang mga ito sa isasapublikong budget.
Sinabi ni Najib na kung mayroong iba pang mungkahi ang mga mamamayan sa naturang budget, puwede nilang patuloy na iharap ang mga pinahahalagahang mga palagay. Mataimtim niyang pag-aaralan ang nasabing mga palagay at mungkahi, dagdag pa niya.
Ayon sa ulat, isasapubliko sa Oktubre 21, 2016, ni Najib ang 2017 budget ng bansa.
Salin: Li Feng