Mahigit US.8 milyon, ilalaan pa ng Malaysia para sa paghahanap ng MH370

2016-09-22 16:59:21 CRI CRI

Kuala Lumpur, Malaysia—Nagpasiya Miyerkules, Setyembre 21, 2016, ng Gabinete ng Malaysia na ilalaan pa ng bansa ang mahigit US$ 1.8 milyon para sa paghahanap sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.

Ipinahayag ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na inaasahang matatapos ang paghahanap sa Disyembre ng taong ito.

Noong ika-8 ng Marso, 2014, nawala ang Boeing 777-200 aircraft habang lumilipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero at 154 sa mga ito ay Tsino. Noong ika-29 ng Enero ng 2015, ipinatalastas ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Malaysia na bumagsak ang nasabing eroplano, at nasawi ang lahat ng pasahero.

Dalawampu't anim (26) na bansa ang magkakasunod na lumahok sa paghahanap sa nawawalang eroplano. Kasama ng Malaysia, ang Tsina at Australia ay naglaan din ng pondo para sa paghahanap.

Salin/Edit:Jade
Pulido:Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino