Ika-2 China-ASEAN Friendship Concert, idaraos sa Oktubre

2016-09-25 17:42:36 CRI

Ayon sa ulat kahapon, Sabado, ika-24 ng Setyembre 2016, ng China Radio International (CRI), ang 2016 China-ASEAN Friendship Concert ay idaraos sa ika-14 ng susunod na buwan, sa Haikou, lunsod ng lalawigang Hainan sa timog Tsina.

Sa pagtataguyod ng CRI, Hainan Radio and TV Station, at Administration of Press, Publication, Radio, Film, and Television ng Guangxi Zhuang Autonomous Region, magtatanghal sa naturang konsiyerto ang mga mang-aawit mula sa Tsina at sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations. Ito ay para ipakita ang makukulay na kultura ng kani-kanilang bansa, at palakasin ang pagkakaibigang Sino-ASEAN.

Ito ang ika-2 China-ASEAN Friendship Concert. Sa unang konsiyerto noong isang taon, kinanta ni Aldrich Lloyd Talonding, 17 taong gulang na Pinoy, ang awit na "Anak" ni Freddie Aguilar.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino