Pambansang Inisyatiba laban sa Terorismo, inilunsad sa Singapore

2016-09-26 12:28:52 CRI CRI

Inilunsad nitong Sabado, Setyembre 24, 2016, ng Pamahalaan ng Singapore ang Pambansang Inisyatiba laban sa Terorismo. Bilang pinakahuling hakbang ng kabuuang operasyon kontra terorismo ng Singapore, layon nitong hikayatin ang mga karaniwang Singaporean na lumahok sa pambansang operasyon laban sa terorismo at malaman kung paano mapoprotektahan ang kanilang sarili.

Ayon sa nasabing inisyatiba, ang bawat pamilya sa Singapore ay dapat may kahit isang miyembro na marunong magsagawa ng pangkagipitang katugong hakbang sa mga di-inaasahang pangyayari para maprotektahan ang kapamilya.

Sa seremonya ng paglunsad, sinabi ni Punong Ministro Lee Hsien Loong, nakahanda na ang pamahalan labanan ang anumang bantang teroristiko. Umaasa aniya rin siyang mapapatingkad ang papel ng mga mamamayan laban sa terorismo.

Salin: Jade
Pulido: Mac


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino