Kooperasyon sa pagitan ng mga lunsod ng Tsina at ASEAN, dapat pahigpitin

2016-09-28 11:48:01 CRI

Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga dalubhasa at opisyal ng Tsina at mga bansang ASEAN na dapat samantalahin ang pagkakataon ng “Belt and Road” Initiative para pasulungin ang mga kooperasyon sa pagitan ng mga lunsod ng dalawang panig hinggil sa kakayahan ng pagpoprodyus.

Idinaos nitong Martes, Setyembre 27, 2016 sa Nanning ng Guangxi, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, ang ika-2 China ASEAN Mayors' Forum, na nagtatampok sa mga kooperasyon ng mga lunsod ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang larangan.

Sinabi ni Qi Ji, Pangalawang Puno ng China Association Of Mayors, na dapat patingkarin ang mahalagang papel ng mga bahay-kalakal para ibayo pang pasulungin ang mga kooperasyon ng mga lunsod ng Tsina at ASEAN sa konstruksyon ng imprastruktura, produksyon ng agrikultura at industriya ng kultura.

Sinabi naman ni Korn Dabbaransi, Tagapangulo ng Thai-Chinese Friendship Association, na sa pundasyon ng China ASEAN Mayors' Forum, dapat itatag ang isang digital platform para mas mabisang pasulungin ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang panig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino