Ipinatalastas Biyernes, Oktubre 7, 2016, ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na itigil ang national emergency plan na nakatuon sa Myanmar para alisin ang sangsyon sa kabuhayan ng bansang ito.
Pagkatapos nito, ipinahayag ni Adam Szubin, umaaktong Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika, na hindi iiral ang mga sangsyon ng kanyang kagawaran sa kabuhayan at pinansiya ng Myanmar.
Sinabi niyang ito ang ibayo pang makakatulong sa pag-unlad ng negosyo at kabuhayan ng bansang ito.