VRP, tiniyak na teroristikong organisasyon ng Biyetnam

2016-10-08 15:39:15

Ayon sa impormasyon mula sa website ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Biyetnam, bukas na tiniyak sa kauna-unahang pagkakataon, ng ministring ito na teroristikong organisasyon ang Vietnam Reform Party (VRP) na nakabase sa Estados Unidos.

Pagkakatatag ng VRP noong taong 1982, nitong mga taong nakalipas, kinalap at sinanay nito ang mga bagong miyembro sa paggamit ng mga sandata upang isagawa ang mga teroristikong aktibidad. Sa mula't mula pa'y itinuturing ng pamahalaang Biyetnames ang organisasyong ito bilang teroristikong organisasyon, at ang nasabing pahayag ay unang opisyal na pagtiyak ng Biyetnam sa esensya nito.

Bukod dito, nitong mga taong nakalipas, ipinadala na ng VRP ang lahat-lahat 246 na sandatahang miyembro nito na pumasok sa Biyetnam mula Thailand para maitayo ang sekretong base at isagawa ang mga teroristikong aktibidad.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino