Isang piraso ng labi ng eroplano na natuklasan sa Mauritius, kumpirmadong nagmula sa MH370

2016-10-08 17:12:42 CRI

Biyernes, ika-7 ng Marso, 2016, ipinahayag ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na ang isang piraso ng labi ng eroplano na natuklasan sa Mauritius ay kumpirmadong nagmula sa nawawalang Flight MH 370 ng Malaysia Airlines. Nauna rito, kapuwa nakumpirmang galing sa MH370 ang dalawang piraso na natuklasan sa Reunion Island at Tanzania.

Ayon sa magkakasanib na komunikeng inilabas ng pulong na ministeriyal ng Malaysia, Australia at Tsina noong ika-22 ng nagdaang Hulyo, kung hindi matutuklasan ang nasabing eroplano sa 120 libong kilometro kuwadradong rehiyon ng paghahanap, at mawawalan ng bagong mapagkakatiwalaang ebidensya, ititigil ang aksyon ng paghahanap.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino