Bilateral Currency Reciprocal Agreement ng Indonesia at Hapon, pahahabain

2016-10-10 15:00:54

Ayon sa ulat ng opisyal na website ng Bangko Sentral ng Indonesia, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng Indonesia at Hapon na pahabain ang kanilang Bilateral Currency Reciprocal Agreement. Lumagda rin sila sa additional agreement na may pinakamalaking magagamit na pondo na 22.76 bilyong dolyares. Ang kapasiyahang ito ay ginawa ng mga ministro ng pinansya ng dalawang bansa sa kanilang pagdalo sa Taunang Pulong ng Pinansyang Pandaigdig na ginanap sa Washington D.C.

Ipinahayag ni Agus Martowardojo, Puno ng Bangko Sentral ng Indonesia, na ang nasabing kapasiyahan ay nagpapakita ng mahigpit na relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa larangang pinansiyal.

Salin: Li Feng


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino