Pangalawang kumperensiya ng Asian Cooperation Dialogue, idinaos sa Bangkok

2016-10-11 10:12:53 CRI CRI

Idinaos Oktubre 10, 2016, sa Bangkok, Thailand ang pangalawang kumperensiya ng Asian Cooperation Dialogue(ACD). Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa 34 na miyembro ng ACD, na kinabibilangan ng Tsina at Pilipinas.

Sa kanyang talumpating pinamagatang “Pagpapasulong ng Diyalogong Pangkooperasyon ng Asya, Magkasamang Pagtatatag ng Komunidad ng Asya,”  sinabi ni Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina, na positibo ang Tsina sa pagpapaganda sa hinaharap ng Asya, sa pamamagitan ng pagtatatag ng komunidad ng Asya na may panlahatang pag-unlad, karapatan at interes, seguridad, at responsibilidad. Umaasa aniya ang Tsina na pahihigpitin ng mga miyembro ng ACD ang pagkakaisa at pagtutulungan para pangalagaan ang katatagan, kaunlaran at integrasyong may mutuwal na kapakinabangan para sa buong Asya.

Bilang iisang pampamahalaang mekanismong pandiyalogo ng Asya, ang ACD ay naitatag noong 2002. Ang tema ng pulong sa taong 2016 ay: Diversified Power, One Asia.”

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino