Singaporean Prime Minister, nasa Australia

2016-10-12 15:44:36

Canberra - Ipinatalastas nitong Martes, Oktubre 11, 2016, ni Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australia, na nakatakdang bumiyahe si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore sa kanyang bansa mula ika-11 hanggang ika-13 ng kasalukuyang buwan. Kasama ni Lee sa pagdalaw ang Ministro ng Kalakalan, Ministro ng Tanggulang Bansa, at Ministrong Panlabas ng Singapore.

Ayon kay Tumbull, sa panahon ng biyahe, bibigkas ng talumpati si Lee sa parliamento ng Australia. Bukod dito, sasaksihan din ng mga lider ng dalawang bansa ang paglagda sa isang serye ng kasunduang may kaugnayan sa kalakalan, depensa, inobasyon, edukasyon, pagpapatupad ng batas, pagpapalitang kultural, at iba pa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino