Thai Crown Prince Maha Vajiralongkorn, susunod na haring Thai sa angkop na panahon

2016-10-14 10:45:56

Pumanaw si Thailand King Bhumibol Adulyadej sa edad 89 noong gabi ng Huwebes, Oktubre 13, 2016. Kaugnay nito, ipinahayag kagabi ni Punong Ministro Prayuth Chan-o-cha ng Thailand, na umaasa si Crown Prince Maha Vajiralongkorn na makikidalamhati, ang mga mamamayang Thai, sa pagyao ng hari. Ani Prayuth, papalit ang Crown Prince bilang hari sa angkop na panahon.

Ipinahayag din ng Thai PM na ang succession sa throne ay isasagawa alinsunod sa mga kaukulang batas at regulasyong gaya ng konstitusyon.

Si Maha Vajiralongkorn ay isinilang noong Hulyo 28, 1952. Siya ang tanging anak nina King Bhumibol Adulyadej at Queen Sirikit.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino