Lider ng mundo, nagpaabot ng pakikiramay sa Thailand

2016-10-14 11:49:36

Pagkaraang pumanaw Huwebes, Oktubre 13, 2016, si Haring Bhumibol Adulyadej ng Thailand, nagpaabot ng pakikiramay ang mga politiko ng maraming bansa sa Thailand.

Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinalabas Huwebes ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN) lubusang pakikiramay sa Thai Royal Family, pamahalaan, at mga mamamayan nito.

Ipinahayag din nang araw ring iyon ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang pakikiramay sa pagpanaw ng haring Thai. Aniya, si Haring Bhumibol Adulyadej ay close friend ng Amerika, at mahalagang partner ng maraming dating pangulong Amerikano.

Samantala, nagparating na rin ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamayang Thai.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino