Ika-120 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Jose Rizal, ginunita sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing

2016-12-30 16:36:49

Ika-120 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Jose Rizal, ginunita sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing

Beijing, Tsina - Isang payak at solemnang seremonya't salu-salo ang idinaos, noong gabi ng Huwebes, Disyembre 29, 2016 sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing bilang paggunita sa kabayanihan at pag-aalay ng buhay para sa Sambayanang Pilipino ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose P. Rizal.

Bilang bahagi ng mga aktibidad, nagkaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa paanan ng rebulto ni Rizal na pinangunahan nina Minister/Consul Rhenita Rodriguez at Minister/Consul Ivan Frank Olea.

Ika-120 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Jose Rizal, ginunita sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing

Ika-120 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Jose Rizal, ginunita sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing

Bukod dito, nagkaroon din ng maikling salaysay tungkol sa buhay, kasaysayan ng mga monumento ni Rizal sa Pilipinas, at kanyang tahanan sa Laguna.

Sa tulong naman ng National Center for Culture and the Arts (NCCA), inanyayahan ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang mga piling panauhin upang buuin at itayo ang papel na 3D replica ng bantayog ni Rizal na makikita sa Luneta Park, Maynila.

Ika-120 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Jose Rizal, ginunita sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing

Ipinahayag ni Minister/Consul Rodriguez ang pag-asang maaalala at isasa-puso ng mga Pilipino ang mga sakripisyong ginawa ni Rizal para sa kalayaan ng Pilipinas.

Aniya, sana gawing ehemplo ng mga kabataang Pilipino ang mga ginawa ni Rizal para sa ikau-unlad ng Pilipinas.

Ika-120 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Jose Rizal, ginunita sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing

Ayon naman kay Minister/Consul Olea, dapat pumulot ng mabuting aral ang mga kabataang Pilipino sa mga ehemplong ipinakita ni Rizal.

“Dapat pag-aralan nila iyong buhay ni Rizal dahil marami silang matututunan [dito],” dagdag ni Olea.

Ang pinaka-importante ani Minister/Consul Olea ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, hindi sa pamamagitan ng armas, kundi sa pagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa kapuwa at matibay na prinsipyo.


/end/

Ulat:Rhio

Larawan: Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino