Pangulong Tsino, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Duterte kaugnay ng bagyong Nina

2017-01-01 23:38:14 CRI

Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Linggo, Enero 1, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pananalasa ni bagyong Nina (international name Nock-Ten) sa Pilipinas.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Pangulong Xi na ang bagyong Nina ay nagdulot ng kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian ng Pilipinas. Sa ngalan ng Pamahalaang Tsino, sambayanang Tsino at kanyang sarili, ipinaabot ni Xi ang pangungumusta sa mga apektadong mamamayang Pilipino.

Inilahad din ni Pangulong Xi na mapagkaibigang magkapitbansa ang Pilipinas at Tsina. Ikinababahala aniya niya at mga mamamayang Tsino ang pagdurusa at pagkawala ng tahanan ng mga mamamayang Pilipino dahil sa kalamidad. Dagdag niya, nakahanda ang Tsina na magbigay ng pangkagipitang tulong. Nananalig aniya siyang sa pamumuno ng administrasyon ni Pangulong Duterte, mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Pilipino ang kalamidad at muling maitatayo ang mga nasirang tahanan.

salin: Jade
pulido: Rhio


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino