Rehiyonal na katiwasayan, katatagan at kooperasyong panseguridad sa dagat, priyoridad ng Pilipinas bilang bansang tagapangulo ng ASEAN

2017-01-12 11:40:28 CRI CRI

Idinaos kahapon, Miyerkules, ika-11 ng Enero 2017, sa Maynila, ni Perfecto Yasay Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang news briefing hinggil sa panunungkulan ng Pilipinas bilang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sinabi ni Yasay, na isa sa mga pangunahing gawain ng Pilipinas ay nasa aspekto ng ASEAN Political-Security Community. Bibigyang priyoridad aniya ng Pilipinas ang rehiyonal na katiwasayan, katatagan, at kooperasyong panseguridad sa dagat.

Ani Yasay, bukod sa pagsisikap sa loob ng ASEAN, pasusulungin din ng Pilipinas ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina, para palakasin ang seguridad sa dagat.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino