Mga lider ng Tsina: Dapat pabilisin ang paghahanap sa nawawalang bapor

2017-01-30 13:38:00 CRI

Nawala Sabado, Enero 29, 2017 ang isang bapor na may lulang halos 20 turistang Tsino sa paligid ng Sabah state, Malaysia. Ang bapor ay nasa biyahe mula Kota Kinabalu papuntang Mengalum Island. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng tropang pandagat at maritime police ng Malaysia ang paghahanap sa naturang nawawalang bapor.

Pagkaraang maganap ang insidente, agarang hinilingan ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina na palakasin ng Ministring Panlabas ng Tsina at Embahada ng Tsina sa Malaysia ang kaugnayan sa mga departemento sa lokalidad, para mapabilis ang paghahanap at pagliligtas ng mga nawawalang turista. Hinilingan din ang Ministri ng Tranportasyon, Kagawaran ng Turismo ng Tsina na agad na aktibahin ang emergency measures, at puspusang katigan ang mga gawain ng Malaysia.

Ipinahayag naman ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina na dapat palakasin ang paghahanap at pagliligtas sa mga nawawala. At dapat maayos na mangasiwa sa relief work sa ilalim ng mekanismo ng proteksyon ng Chinese national.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino