Duterte, nagbabala sa Amerikang huwag itayo ang instalasyong militar sa Pilipinas

2017-01-30 16:40:47 CRI

Sa isang presscon ngayong araw sa Malakanyang, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na huwag magtayo ng malitar na instalasyon sa Pilipinas, kung isasagawa nila ito, aniya, ipawawalang-bisa niya ang kasunduang militar sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ani Duterte, ayon sa Philippines–United States Visiting Forces Agreement na nilagdaan noong 1998, hindi maaaring itatag ng Amerika ang pangmatagalang malitar na instalasyon sa teritoryo ng Pilipinas. Kung igigiit ng Amerika na gawin ito, susurihin muli niya ang lahat ng mga kasunduan ng dalawang bansa, at posibleng pawalan ng bisa ang mga ito.

Tungkol dito, ipinahayag kaninang umaga ni Delfin Lorenzana, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, na ikinababalisa ni Duterte ang paglalawak ng pagtatatag ng mga base military ng Amerika sa Pilipinas.

Nauna rito, isiniwalat ni Lorenzana na sisimulan ng tropang Amerika ang pagtatatag ng warehouses, barracks at runways batay sa 2014 Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA).

Kahit ipinagbabawal ng konstitusyon ng Pilipinas ang konstruksyon ng dayuhang tropa ng base-militar sa Pilipinas, pinahihintulutan ng EDCA ang paggamit ng tropang Amerikano ng mga base ng Pilipinas, pagtatayo ng instalasyong militar, at pagdedeploy ng santada sa Pilipinas.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino