Kooperasyong pandaigdig, apektado ng refugee and immigration ban ng Amerika-Indonesya

2017-02-03 11:31:42 CRI

"Ang patakarang pang-imigrasyon ng Amerika ay makakaapekto sa paglutas sa krisis ng refugee at paglaban sa terorismo.” Ito ang ipinahayag Pebrero 2, 2017 ni Armanatha Nasir, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Indonesya, bilang tugon sa refugee and immigration ban na isinapubliko kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika. Ikinalulungkot aniya ng kanyang bansa ang pangyayaring  ito.

Ipinalalagay ng nasabing opisyal Indones na ang pagpapahigpit ng pagtutulungang pandaigdig ay nagsisilbing mabisang paraan sa paglutas ng mga isyung dulot ng terorismo.

Aniya pa, kasalukuyang nananatiling mainam ang bilateral na relasyon sa pagitan ng Indonesya at Amerika. Umaasa aniya siyang ibayong hihigpit ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino