Pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Pilipinas at Rusya, hihigpit

2017-02-03 11:33:58 CRI

Ipinahayag Pebrero 2, 2017 ng Kagawaran ng Komersyo at Industriya ng Pilipinas (DTI) na idinaos noong isang linggo sa Maynila ang preparatoryong pulong hinggil sa pagtatatag ng magkasanib na lupong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Pilipinas at Rusya. Ayon sa DTI,  nakatakdang idaos ang kauna-unahang pulong ng nasabing lupon, bago  bumiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Rusya, sa unang hati ng kasalukuyang taon.

Ipinahayag pa ng nasabing kagawaran na ito ay makakatulong sa pagpapahigpit ng pagtutulungan ng dalawang panig sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ng pamahalaang Pilipino ang mas bukas na multilateral na patakarang panlabas, ayon sa DTI.

Ayon sa ulat, ipinatalastas ng Pilipinas noong Enero, 2017 ang pagbalangkas, kasama ng Rusya, ng kasunduang pandepensa. Inaasahang lalagdaan ang kasunduang ito, habang dumalaw si Pangulong Duterte sa Rusya.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino