Isang bangkay, narekober sa karagatan kung saan lumubog ang bapor ng Malaysia

2017-02-04 15:38:57 CRI CRI

Ipinatalastas ngayong araw, Sabado, ika-4 ng Pebrero 2017, ng Malaysian Maritime Enforcement Agency, na narekober ang bangkay ng isang babae sa karagatan malapit sa Mengalum Island ng Sabah. Pero anito, hindi pa tiyak kung ang bangkay na ito ay kabilang sa mga nawawala mula sa lumubog na bapor noong ika-28 ng nagdaang buwan sa karagatan ng Sabah.

Ayon pa rin sa nabanggit na ahensiya, dadalhin ang naturang bangkay sa panig pulisya, para tiyakin ang identidad nito. Samantala, patuloy pa rin ang paghahanap ng 5 turistang Tsino at 1 tripolanteng nawawala mula sa naturang lumubog na bapor.

Ipinahayag naman ng Konsulada Heneral ng Tsina sa Kota Kinabalu, na ipinaalam na ng panig Malay sa kanila ang naturang impormasyon, at susubaybayan nila ang pinakahuling kalagayan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino