Pamahalaan ng Pilipinas, ititigil ang talastasan sa CPP

2017-02-05 15:12:27 CRI

Ipinatalastas Sabado, Pebrero 4, 2017 ni Pangulong Rodrigo Duterte na ititigil ng pamahalaan ang talastasang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP). Nakatakda sana itong idaos sa Netherland sa huling dako ng buwang ito.

Sinabi niya sa Davao City na kaugnay ng talastasan sa CPP, hindi niya kayang sang-ayunan ang mga kahilingan ng CPP para palayain ang halos 400 miyembro ng partido. Samantala, iniutos niya sa panig militar na isagawa ang lubos na paghahanda para sa pangmatalagang labanan.

Noong unang araw ng Pebrero, ipinahayag ng CPP na dahil hindi pinalaya ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga bilanggong pulitikal, ipinasiya nitong itigil ang bilateral na tigil-putukan sa pamahalaan mula ika-10 ng buwang ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino