Kapitan ng lumubog na barko sa Malaysia, hinatulan ng pagkabilanggo

2017-02-06 10:39:32

Nilitis nitong Sabado, Pebrero 4, 2017, ng hukumang lokal ng estadong Sabah, Malaysia, ang kapitan at may-ari ng lumubog na barko sa Sabah. Nahatulan siya ng 6 na buwang pagkabilanggo.

Ipinahayag ni Chen Peijie, Consul General ng Tsina sa Kota Kinabalu, na hinihimok ng panig Tsino ang panig Malay na agarang isagawa ang komprehensibong imbestigasyon tungkol sa nasabing aksidente upang mailabas ang pantay at makatarungang resulta ng imbestigasyon sa pinakamadaling panahon. Bukod dito, hinihiling din niya sa panig Malay na maayos na hawakan ang mga kaukulang gawain sa mga turistang Tsino pagkaraan ng aksidente.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino