Palabas ng Chinese acrobatics, itinanghal sa Bangkok

2017-02-06 17:13:14 CRI CRI

Sa pagtataguyod ng China Cultural Center in Bangkok at Departamento ng Kultura ng lalawigang Anhui ng Tsina, idinaos kamakailan sa Bangkok, Thailand, ang dalawang palabas ng Chinese acrobatics. Nagtanghal sa mga ito ang mga sirkero galing sa lalawigang Anhui.

Sa kanyang talumpati sa isang palabas, sinabi ni Chen Jiang, Cultural Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Thailand, na salamat sa lumalakas na pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa, maraming palabas ng Tsina ang itinanghal sa Thailand. Ipapaalam nito aniya sa mas maraming mamamayang Thai ang hinggil sa kulturang Tsino.

Ang naturang mga palabas ay bahagi ng mga aktibidad na pang-Spring Festival na itinataguyod sa taong ito ng China Cultural Center in Bangkok.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino