“Iligtas ang bansa sa pamamagitan ng pagsisilang,” panawagan ng pamahalaang Thai

2017-02-10 13:18:17

Sa bisperas ng Valentine's Day, nanawagan ang Ministri ng Kalusugan ng Thailand na “iligtas ang bansa sa pamamagitan ng pagsisilang.” Hinihikayat nito ang mga batang lalaki at babae na magpakasal at magsilang ng sanggol sa pinakamadaling panahon.  

Nitong ilang taong nakalipas, walang tigil na bumaba ang birth rate ng Thailand. Noong 2015, ang birth rate ng bansang ito ay bumama sa 0.4% mula 2.7% noong taong 1970. Ayon sa Ministri ng Kalusugan ng Thailand, kung hindi masosolusyunan, posibleng maging zero ang birth rate ng bansa sa loob ng darating na sampung (10) taon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino