"Cobra Gold 2017," isinasagawa ng Amerika at Thailand

2017-02-14 14:57:15

Kasalukuyang isinasagawa sa Thailand ng Amerika at Thailand ang magkasanib na 2017 Cobra Gold Military Exercises, at tatagal ito hanggang ika-24 ng Pebrero.

Ayon sa ulat, siyam (9) na bansang gaya ng Timog Korea, Amerika, Thailand, Malaysia, Singapore, Indonesia, India, Hapon, at Tsina ang kumpirmadong kalahok sa nasabing ensayo na nagsimula ngayong araw. Kalahok din bilang bansang tagamasid ang sampung (10) bansang kinabibilangan ng Britanya, Pransya, at Canada.

Ipinahayag ng panig militar ng Timog Korea na magsisikap ito upang matapos ang tungkulin at makapag-ambag para sa kapayapaang pandaigdig.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino