Pilipinas, inihandog ang "China in Your Classroom" Quiz Bee

2017-02-16 13:40:22 CRI

Manila, Pilipinas—Miyerkules, ika-15 ng Pebrero, 2017, idinaos dito ang semi-final at final ng ika-10 "China in Your Classroom" Quiz Bee. Pagkaraan ng halos 5 oras na kompetisyon sa pagitan ng mga grupo mula sa 16 na high school, naging kampeon ang 4 na estudyente mula sa Rizal High School ng Pasig. Nagwagi rin sila ng gantimpala ng paglalakbay sa Beijing.

Ang nasabing quiz bee ay magkakasamang itinaguyod ng Departamento ng Kultura ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, Philippine Chinese Education Research Center, Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines, at Department of Education-National Capital Region. Mahigit 10 libong estudyante mula sa 147 public high school sa NCR ang sumali dito.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino