Singapore, ginunita ang mga nasawi noong panahon ng pananakop ng Hapon

2017-02-16 14:13:46

Singapore, ginunita ang mga nasawi noong panahon ng pananakop ng Hapon

Civilian War Memorial

Sa harap ng Civilian War Memorial, sentrong panlunsod ng Singapore, idinaos nitong Miyerkules, Pebrero 15, 2017, ng Singapore Chinese Chamber of Commerce ang aktibidad bilang paggunita sa mga napaslang na sibilyan noong panahon ng pananakop sinakop ng Hapon. Ang Pebrero 15 din ay “Total Defense Day” ng Singapore.  

Singapore, ginunita ang mga nasawi noong panahon ng pananakop ng Hapon

Nagbigay-galang ang mga panauhin sa mga napaslang na sibilyan noong panahon ng pananakop ng Hapon

Singapore, ginunita ang mga nasawi noong panahon ng pananakop ng Hapon

Dumalo sa aktibidad si Chen Xiaodong, Embahador ng Tsina sa Singapore

Ipinahayag ni Grace Fu Hai Yien, Minister of Culture, Community and Youth (MCCY) ng Singapore, sa panayam ang pag-asang sa pamamagitan ng pagdaraos ng nasabing aktibidad bawat taon, maididiin sa mga mamamayan nito, partikular na sa mga kabataan, ang kahalagahan ng pagtatanggol ng bansa. Aniya, ang pagtatanggol ng bansa ay responsibilidad ng bawat tao.  

Singapore, ginunita ang mga nasawi noong panahon ng pananakop ng Hapon

Dumalo sa aktibidad ang mga batang kinatawan ng Singapore

Noong Pebrero 15, 1942, sinalakay ng Hapon ang Singapore, at tumagal ang pananakop ng tatlong (3) taon. Ayon sa di-ganap na estadistika, noong panahon ng pananakop ng Hapon sa Singapore, di-kukulangin sa 50 libong Singaporean Chinese ang namatay.

 Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino