Kabuuang halaga ng pagluluwas ng mga primary products ng Malaysia noong 2016, lampas sa 27.5 bilyong dolyares

2017-02-24 10:51:30

Ipinahayag sa Putrajaya nitong Miyerkules, Pebrero 22, 2017, ni Mah Siew Keong, Minister of Plantation Industries and Commodities ng Malaysia, na noong isang taon, umabot sa mahigit 27.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng mga primary products ng bansa.

Ipinahayag niya na ang plantasyon at pagluluwas ng primary products ay mahalagang sandigang industriya ng Malaysia. Aniya, upang ibayo pang mapasulong ang pagluluwas ng nasabing produkto, bubuuin ng pamahalaang Malay ang mga kaukulang tanggapan sa ibang bansang tulad ng Iran at India.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino