Ika-19 na pulong ng working group para sa pagpapatupad ng Declaration on the Code of Conduct in the South China Sea, idinaos

2017-02-27 16:20:33

Idinaos ngayong araw, Pebrero 27, sa Bali Island ang ika-19 na pulong ng working group para sa pagpapatupad ng Declaration on the Code of Conduct in the South China Sea.

Nagpalitan ng kuru-kuro ang Tsina at sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tungkol sa pagpapatupad ng deklarasyon, pagpapasulong ng substansyal na kooperasyong pandagat at mga may kinalamang paksa hinggil sa “Code of Conduct on the South China Sea”.

Noong ika-21 ng buwang ito, sa di-pormal na pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, ipinahayag minsan ni Kalihim Perfecto Yasay, ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na magkasamang idedesenyo ng mga bansang ASEAN at Tsina ang isang code of conduct sa South China Sea at umaaasa ang ASEAN na matatapos ang pagbalangkas nito bago mag-Hunyo ng kasalukuyang taon. Ayon kay Yasay, malaki ang kompiyansa ng Pilipinas na matatapos ang mga gawain sa gitnang dako ng taong ito.

Dahil sa pananalita ni Yasay, nakatawag ng malaking pansin ang idinaraos na pulong.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino