CIBN Film, naitatag sa Thailand

2017-03-01 10:07:26 CRI CRI

Idinaos kahapon, Martes, ika-28 ng Pebrero 2017, sa Bangkok, Thailand, ang news briefing hinggil sa pagtatatag ng China International Broadcasting Network Film Company (CIBN Film).


M.L.Panadda Diskul (sa gitna), Pangalawang Ministro ng Edukasyon ng Thailand, sa news briefing

Ang kompanyang ito ay pinamumuhunanan ng Oriental CAMG (Asia) TV Network Co., Ltd., sa ilalim ng China International Broadcasting Network. Layon nitong palakasin ang kooperasyon ng Tsina at Thailand sa paggawa at pagsasahimpapawid ng mga TV program at pelikula. Ipinatalastas din sa news briefing ang tatlong TV series na magkakasamang gagawin ng CIBN Film at dalawang katuwang nitong kompanyang Thai, na GREATEST Company at MCOT TV.


Chen Jiang (sa gitna), Cultural Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Thailand, sa news briefing

Lumahok sa nabanggit na news briefing sina M.L.Panadda Diskul, Pangalawang Ministro ng Edukasyon ng Thailand, Chen Jiang, Cultural Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Thailand, at mga alagad ng sining, at personahe mula sa media ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino