2 pang piraso ng MH370, natuklasan

2017-03-01 16:08:17 CRI CRI

Ipinahayag kahapon, Martes, ika-28 ng Pebrero 2017, sa Kuala Lumpur, ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na natuklasan kamakailan ang 2 pang piraso ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines, na nawala noong Marso, 2014. Dagdag niya, isasapubliko sa malapit na hinaharap ang mga detalye ng pagkatuklas na ito.

Isinalaysay ni Liow, na nilagdaan ng Malaysia at mga bansang Aprikano na nasa kahabaan ng Indian Ocean, ang Memorandum of Understanding hinggil sa pagtulong ng mga bansang ito sa Malaysia, sa pangongolekta ng mga piraso ng eroplano na matutuklasan sa dalampasigan.

Isiniwalat din niyang, bago ang katapusan ng taong ito, ipapalabas ang isang pinal na ulat hinggil sa pagkawala ng MH370.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino