Pangalawang Premyer Tsino, pinasigla ang kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Pilipinas

2017-03-19 11:04:11 CRI

Ipinahayag Sabado, Marso 18, 2017 sa Manila ni Wang Yang, Pangalawang Premyer Tsino, na dapat samantalahin ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Pilipinas ang kasalukuyang magandang kalagayan para palalimin ang kooperasyon ng dalawang panig.

Nang araw ring iyon, dumalo si Wang sa Porum ng kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa kabuhayan at kalakalan. Sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng Pilipinas, ang pagiging kombinyente at malaya ng bilateral na kalakalan at pagpapalawak ng bolyum ng negosyo sa pagitan ng kanilang mga bahay-kalakal. Dagdag pa niya, aangkatin ng Tsina ang mas maraming produktong Pilipino sa hinaharap.

Bukod dito, sinabi ni Wang na dapat pasulungin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangan na gaya ng imprastruktura, agrikultura, pacity, pamumuhunan, at kultura.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino