Lahat ng 5 tripolanteng Malay na dinakip ng ASG, napalaya na

2017-03-28 14:39:21 CRI CRI

Ipinatalastas kahapon, Lunes, ika-27 ng Marso 2017, ng panig militar ng Pilipinas ang pagpapalaya ng lahat ng limang tripolanteng Malay, na dinakip ng Abu Sayyaf Group noong Hulyo ng nagdaang taon sa Sabah, Malaysia.

Nitong mga araw na nakalipas, ginawa ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang malawakang operasyon sa lalawigang Sulu, para hanapin ang naturang mga tripolante.

Pinalaya nila nang araw ring iyon ang 3 tripolante. Maganda ang kanilang kalagayan, at ipinadala na sila sa ospital para sa physical checks-up.

Ang 2 pa ay pinalaya noong ika-23 ng buwang ito, at bumalik na sila sa Malaysia.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino