Lalawigang Shaanxi, idinaos ang promosyon para sa kooperasyon sa kabuhayan at turismo sa Kambodya

2017-03-28 15:40:39 CRI CRI

Idinaos kahapon, Lunes, ika-27 ng Marso 2017, sa Phnom Penh, Kambodya, ng lalawigang Shaanxi ng Tsina, ang promosyon para sa kooperasyon sa kabuhayan at turismo.

Sa promosyon, sinabi ni Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, na sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, ang Shaanxi ang nasa bungad ng bagong round ng pagbubukas ng Tsina. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng Shaanxi at Kambodya ang pagkakataong ito, para dagdagan ang kanilang kooperasyon.

Sinabi naman ni Pan Sorasak, Ministro ng Komersyo ng Kambodya, na sa kanyang pagdalaw sa Shaanxi noong unang dako ng taong ito, naitatag sa Xi'an, punong lunsod ng lalawigang ito, ang sentro ng komersyo ng Kambodya. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng sentrong ito at mga promosyon ng Shaanxi sa Kambodya, pasusulungin ng dalawang panig ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino