Kompanyang Tsino, magbibigay-tulong sa Indonesya sa paghubog ng talento ng telekomunikasyon

2017-03-28 16:42:25 CRI CRI

Isasagawa ng Huawei Corporation, malaking kompanya ng telekomunikasyon ng Tsina ang proyekto ng pagbibigay-tulong sa Indonesya para sa paghubog ng mga talento sa aspekto ng impormasyon at telekomunikasyon.

Nilagdaan kahapon, Lunes, ika-27 ng Marso 2017, sa Jakarta, ng Huawei Corporation Indonesian Branch at 7 pamantasan ng Indonesya ang kasunduan hinggil sa pagsasagawa ng naturang proyekto na tinatawag na “SmartGen.”

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paglalagda, ipinahayag ni Rudiantara, Ministro ng Telekomunikasyon at Impormasyon ng Indonesya, ang pagtanggap at pagkatig sa naturang kooperasyon ng Huawei Corporation at mga pamantasan ng Indonesya. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng proyektong ito, lalaki ang bilang ng mga talento sa aspekto ng telekomunikasyon ng Indonesya, at palalakasin din ang kanilang kakayahan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino