Philippine Tourism Presentation and Table-top Meetings, mahalagang pangyayari--embahador Pilipino sa Tsina

2017-03-29 19:24:23 CRI CRI

Philippine Tourism Presentation and Table-top Meetings, mahalagang pangyayari--embahador Pilipino sa Tsina
Embahador Jose Santiago “Chito” Sta. Romana (kaliwa) habang kinakapanayam ni Rhio Zablan ng Serbisyo Filipino

Beijing Tsina-"Mahalaga ang pangyayaring ito, kasi inaalok nating pumunta ang mga turistang Tsino sa Pilipinas, at sila ngayon [ang inaasahang] magiging pangunahing turista sa [ating bansa]."

Ito ang ipinahayag kagabi, Marso 28, 2017 ni Embahador Jose Santiago “Chito” Sta. Romana, bagong Sugong Pilipino sa Tsina, kaugnay ng pagdaraos ng Philippine Tourism Presentation and Table-top Meetings sa Hilton Hotel Beijing.


Philippine Tourism Presentation and Table-top Meetings, mahalagang pangyayari--embahador Pilipino sa Tsina
Embahador Jose Santiago “Chito” Sta. Romana

Ani Sta. Romana, isang importanteng bagay ang nasabing pagtitipon, dahil malaki ang pagpapahalagang ibinibigay ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasulong ng turismo.

Hinggil naman sa pagpapabuti ng relasyong Pilipino-Sino, sinabi niyang mariing utos ni Pangulong Duterte na palalimin pa ang pagkakaibigan at pagkakaunawaan ng mga pamahalaan at mga mamamayan ng dalawang bansa.


Philippine Tourism Presentation and Table-top Meetings, mahalagang pangyayari--embahador Pilipino sa Tsina
Embahador Jose Santiago “Chito” Sta. Romana (kaliwa) at Rhio Zablan (kanan) ng Serbisyo Filipino

“Kaya, ang ginagawa namin ngayon ay gawing batayan ang tagumpay ng [pagbisita sa Tsina ni Pangulong Duterte] noong Oktubre ng nakaraang taon at tuparin ang mga napagkasunduan, para maramdaman ng mga mamamayang Pilipino kung ano ang benepisyo ng mahusay na relasyon sa Tsina at kung ano ang benepisyo ng malapit na pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina,” ani Sta. Romana.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino