Myanmar, bumili ng mahigit 1 libong bus mula sa Tsina

2017-04-16 16:35:50 CRI CRI

Ayon sa ulat kahapon, Sabado, ika-15 ng Abril 2017, ng media ng Myanmar, nilagdaan kamakailan ng pamahalaang lokal ng lunsod ng Yangon, Myanmar at Yutong Group Co., Ltd. ng Tsina, ang kontrata hinggil sa pagbili ng mahigit 1 libong bus na yari ng naturang kompanyang Tsino.

Sinabi ng may kinalamang opisyal ng Transport Authority ng Yangon, na ayon sa kontrata, ibibigay sa kanila ang naturang mga bus sa susunod na buwan, at gagamitin ang mga ito sa Yangon Bus Line.

Dagdag niya, magiging pampalakas sa Yangon Bus Services System ang naturang mga bus, para ang sistemang ito ay makaabot sa pandaigdig na pamantayan sa susunod na taon, batay sa target na itinakda ng pamahalaang lokal.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino