78% ng mga Pilipino, ikinasisiya ang kampanya laban sa ilegal na droga

2017-04-19 15:02:25 CRI

Ayon sa resultang inilabas Martes, ika-18 ng Abril, 2017 ng Social Weather Stations (SWS), 78% ng mga mamamayang Pilipino ang natutuwa sa kampanya laban sa droga na inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula noong ika-25 hanggang ika-28 ng Marso, isinagawa ng SWS ang mga face-to-face interview sa 1,200 mayor-de-edad ng buong bansa. Ipinakikita ng resulta ng poll na lubos na nasisiyahan ang 43% ng mga respondent, medyo nasisiyahan ang 35% respondent, lubos na hindi nasisiyahan ang 6%, at medyo hindi nasisiyahan ang iba pang 6%.

Ayon sa SWS, batay sa proporsyon ng mga nasisiyahang respondent at di-nasisiyahang respondent, ang net satisfaction rating ng mga Pilipino sa kampanya laban sa droga ay 66.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino