Maharlikang libing ni dating Haring Bhumibol Adulyadej ng Thailand, idaraos sa huling dako ng Oktubre

2017-04-19 15:41:52 CRI

Isinapubliko kamakailan ni Haring Maha Vajiralongkorn ng Thailand na mula ika-25 hanggang ika-29 ng Oktubre, 2017, idaraos ang maharlikang cremation ni dating Haring Bhumibol Adulyadej. Tatagal ng 5 araw ang buong proseco ng libing.

Noong katapusan ng nagdaang buwan, ipinadala ng isang may kinalamang komisyong pinamumunuan ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand ang liham sa tanggapan ng punong kalihim ng hari, kung saan iminungkahi niya ang espisipikong araw ng cremation. Sinang-ayunan ng hari ang plano ng nasabing komisyon hinggil sa maharlikang cremation.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino