Karbon mula sa ilang bansang ASEAN, popular sa Tsina

2017-04-20 14:34:31 CRI CRI

Ayon sa ulat kahapon, Miyerkules, ika-19 ng Abril 2017, ng Entry-Exit Inspection and Quarantine Bureau ng Guangxi Zhuang Autonomous Region ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, halos 6.4 milyong toneladang karbon ang inangkat ng Tsina sa pamamagitan ng rehiyong awtonomong ito. Malaking bahagi ng mga ito ay galing sa ilang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na gaya ng Biyetnam, Indonesya, at iba pa.

Ayon sa opisyal ng nabanggit na kawanihan, popular sa Tsina ang karbon mula sa naturang ilang bansang ASEAN, dahil maganda ang kalidad at mababa ang presyo.

Dagdag pa niya, malapit ang Guangxi sa mga bansang ASEAN, kaya mababa ang gugulin para sa paghahatid. Ito rin aniya ang dahilan kung bakit maraming karbon ng mga bansang ASEAN ay pumasok sa Tsina sa pamamagitan ng Guangxi.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino