PM ng Kambodya, dadalo sa Belt and Road Forum

2017-04-25 17:06:09 CRI CRI

Sa isang panayam kamakailan, positibo si Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, sa pagdalo ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya sa Belt and Road Forum for International Cooperation, na idaraos sa susunod na buwan sa Beijing.

Sinabi ni Xiong, na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng Belt and Road Initiative, ginawa ng Tsina at Kambodya ang kooperasyon sa mga proyekto ng imprastruktura. Lumitaw na aniya ang bunga ng mga ito sa pagpapabilis ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Kambodya, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.

Nananalig aniya si Xiong, na sa pamamagitan ng pagdalo ng PM Kambodyano sa nabanggit na porum, mas mabilis na susulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan. Mas maraming bunga rin ang matatamo, dagdag pa niya.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino