ASEAN Summit, magtatampok sa proseso ng integrasyon

2017-04-26 12:36:08 CRI

Sa idaraos na ika-30 ASEAN Summit mula ika-26 hanggang ika-29 ng buwang ito sa Manila, pabibilisin ng mga kalahok na bansa ang proseso ng integrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang tema ng nasabing summit ay “Partnering for Change, Engaging the World.” Bago buksan ang summit, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilang kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong 2017, ipauuna ng Pilipinas ang pagpapasulong ng integrasyong pangkabuhayan ng ASEAN. Umaasa aniya siyang maitatatag ang isang mas malakas na ASEAN.

Ipinahayag naman ni Enrique Manalo, Acting Secretary ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na bukod sa konstruksyon ng ASEAN Community, tatalakayin din sa nasabing summit ang hinggil sa konstruksyon ng integrasyon ng seguridad at pulitika, pagpapahigpit ng relasyon ng ASEAN, ibang mga bansa at rehiyon, at pagpapanatili ng nukleong papel ng ASEAN sa mga suliraning panrehiyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino