Araw ng pag-abo sa bangkay ni dating Haring Bhumibol Adulyadej ng Thailand, itinakda

2017-04-26 12:26:07

Sinabi Martes, Abril 25, 2017, ni Athisit Chainuwat, Pangalawang Tagapagsalita ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Thailand, na aabuhin ang bangkay ni dating Haring Bhumibol Adulyadej sa ika-26 ng Oktubre. Inaprobahan na ng gabinete na gawing piyestang opisyal ang araw na ito, para bigyang-ginhawa ang pagdalo ng mga mamamayan sa maharlikang seremonya.

Nang araw ring iyon, isinapubliko ng website ng pamahalaang Thai ang konkretong petsa ng burol at libing. Idaraos ang maharlikang burol at libing mula ika-25 hanggang ika-29 ng Okbubre. Kabilang sa mga aktibidad ang paglilipat ng katawan sa pagdarausan ng cremation, paglilipat ng lalagyan ng abo sa palasyo at iba pa.

Yumao si Haring Bhumibol Adulyadej noong ika-13 ng Oktubre, 2016, sa edad na 89. Noong nagdaang Disyembre, umakyat sa trono bilang hari si Crown Prince Maha Vajiralongkorn. Idaraos ang seremonya ng koronasyon ng bagong hari pagkatapos ng pag-abo sa dating hari.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino