2017 Radio Asia Conference, binuksan

2017-04-27 10:23:28 CRI CRI

2017 Radio Asia Conference, binuksan

Sa pagtataguyod ng Asia-Pacific Broadcasting Union, binuksan kahapon, Miyerkules, ika-26 ng Abril 2017, sa Bangkok, Thailand ang 2017 Radio Asia Conference.

Ang tema ng pulong na ito ay "Creating Radio with Passion: Looking into the World of Radio." Kalahok dito ang mahigit 300 kinatawan mula sa mga radio station sa rehiyong Asya-Pasipiko.

Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Ormsin Chivapruck, Ministro sa Tanggapan ng Punong Ministro ng Thailand, na sa harap ng mga hamong dulot ng new media, dapat isagawa ang reporma at pagbabago sa radyo. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng pulong na ito, ibabahagi ng mga kalahok ang mga karanasan, at magkakasamang tatalakayin ang kinabukasan ng radyo.

Bilang kinatawan ng China Radio International (CRI), lumahok sa pulong si Wang Lu, Direktor ng CRI Worldwide English Service. Sinabi niyang ang pulong na ito ay magandang plataporma ng pagpapalitan ng sirkulo ng radyo, para magdulot ng inobasyon sa radyo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino