Ministrong Pandepensa ng Pilipinas at Rusya, nag-usap: pagpapahigpit ng pagtutulungang pandepensa ng dalawang panig

2017-04-27 14:53:44 CRI

Nag-usap Abril 26, 2017 sa Moscow sina Sergey Shoigu at Delfin Lorenzana, mga Ministrong Pandepensa ng Rusya at Pilipinas. Sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagpapahigpit ng kanilang kooperasyong pandepensa at pagpapasulong ng bilateral na relasyon.

Ipinahayag ni Delfin Lorenzana na nakatakdang dumalaw sa Rusya si Pangulong Rodrigo Duterte, sa darating na Mayo ng taong ito. Lalagdaan aniya ng dalawang panig ang mga kasunduang pangkooperasyon sa larangang pandepensa.

Ipinahayag naman ni Sergey Shoigu na hinihintay ng Rusya ang biyahe ng Pangulong Pilipino. Aniya, bilang mahalagang katuwang na pangkooperasyon ng Rusya sa Timog-Silangang Asya at Asya-Pasipiko, umaasa ang Rusya na ibayong mapapahigpit ang pakikipagtulungan sa Pilipinas sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng larangang pandepensa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino