Plota ng hukbong pandagat ng Tsina, nakatakdang dumalaw sa Pilipinas

2017-04-30 17:45:47 CRI CRI

Nakatakdang simulan ngayong araw, Linggo, ika-30 ng Abril 2017, ang pagdalaw ng isang plota ng hukbong pandagat ng Tsina, sa Davao. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng plotang Tsino sa Pilipinas, mula noong Abril ng 2010, na itinuturing na palatandaan ng pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa.

Ang naturang plota ay pinamumunuan ni Rear Admiral Shen Hao, Deputy Commander ng East Sea Fleet ng hukbong pandagat ng People's Liberation Army ng Tsina. Binubuo ito ng tatlong bapor, missile destroyer Changchun, missile frigate Jingzhou at supply ship Chaohu. Ang pagdalaw ay tatagal hanggang sa ika-2 ng darating na Mayo.

Sa pahayag na ipinalabas ng Department of National Defense ng Pilipinas, ipinahayag ni Arsenio Andolong, Tagapagsalita ng kagawarang ito, ang mainit na pagtanggap sa pagdalaw ng naturang plotang Tsino. Ito aniya ay makakatulong, hindi lamang sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan ng Pilipinas at Tsina, kundi rin sa pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino